Monday, September 21, 2009

Philippine Showbiz: Cavite chief prosecutor charges Richard Gutierrez with death of Nomar Pardo


The charge sheet states: "[Gutierrez], being the driver, in-control and in-charge of a Nissan GT-R sedan... willfully, unlawfully and feloniously managed without due regard to traffic laws... by driving the said motor vehicle at speeds grossly in excess of the limits allowed by law [bumped] a Meralco concrete post and three coconut trees with tremendous impact causing multiple injuries to... Nomar Pardo y Estes which resulted to the latter's untimely death to the damage and prejudice of his heirs."


Sinampahan na ng Office of the Provincial Prosecutor ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Richard Gutierrez, kaugnay sa pagkamatay ng kanyang personal assistant na si Nomar Pardo nang maaksidente ang sports car na minamaneho ng aktor noong ika-22 ng Mayo sa Silang, Cavite.

Iaakyat na sa municipal trial court ang nasabing kaso na halos dalawang buwan ding inimbestigahan mula nang magsampa ng reklamo si Lorayne Pardo, biyuda ni Nomar, noong ika-23 ng Hulyo. (Click here to read story.)

Nanguna ang chief provincial prosecutor na si Emmanuel Velasco sa pagsasampa ng kaso sa hukuman, matapos makakita ng probable cause ang mga prosecutors na sina Larry Cabero, Alexander Leveriza and Rosa Elmina Villarin, sa sinasabi umanong pananagutan ng aktor sa pagkamatay ng kanyang PA.

Ayon sa charge sheet, "overspeeding" ang itinuturong dahilan ng pagkakabangga ng sports car ni Richard sa isang poste ng PLDT at tatlong puno ng niyog sa Sta. Rosa-Tagaytay Road.

Nakasaad sa charge sheet, "[Gutierrez], being the driver, in-control and in-charge of a Nissan GT-R sedan... willfully, unlawfully and feloniously managed without due regard to traffic laws... by driving the said motor vehicle at speeds grossly in excess of the limits allowed by law [bumped] a Meralco concrete post and three coconut trees with tremendous impact causing multiple injuries to... Nomar Pardo y Estes which resulted to the latter's untimely death to the damage and prejudice of his heirs."

PRELIMINARY INVESTIGATION. Bago natapos ang charge sheet, dumaan muna ang kaso sa series of preliminary investigations.

Hindi dumalo si Richard sa unang preliminary conference, noong ika-14 ng Agosto, kung saan dapat niyang ipasa ang kanyang counter affidavit. Tanging ang lawyer niyang si Atty. Sheryll Mallari ang dumalo sa pagdinig. (Click here to read story.)

Noong ika-28 naman ng Agosto ay ipinasa ni Atty. Mallari ang counter affidavit ng aktor, na hindi uli nakadalo kaya't hindi nito opisyal na nai-affirm ang nasabing dokumento.

Sa sumunod na pagdinig noong ika-4 ng Setyembre, 'saka lamang nakasipot si Richard sa prosecutor's office. Dito rin nakapagsumite si Lorayne ng kanyang Letter of Reply. Naging daan din ang nasabing hearing upang kausapin ni Chief Prosecutor Velasco ang dalawang kampo para magkasundo sa isang "amicable settlement." Nag-isyu rin si Velasco ng gag order sa dalawang panig para "makapag-usap" sila nang hindi "magsasalitaan sa press." (Click here to read related story.)

Matapos ang labinlimang araw, muli na namang nagkaroon ng hearing, kung saan ipinaabot ng pamilya Pardo ang kanilang desisyon na hindi makipag-settle, at ipinasa rin ni Richard ang kanyang rejoinder affidavit, na pinirmahan niya sa Quezon City Prosecutor's Office. (Click here to read related story.)

"THE RESPONDENT WAS RECKLESS AND NEGLIGENT." Sa mga naunang report dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sports car na minamaneho ni Richard, tumilapon mula sa likod na salamin ng kotse ang katawan ni Nomar, na nakaupo sa back seat. Nakaligtas ang aktor, na siyang may hawak ng manibela, pati na rin ang katabi niyang bodyguard.

Agad daw lumabas ng sasakyan ang dalawa upang hanapin ang katawan ni Nomar, ngunit hindi nila ito nakita sa sobrang dilim. Ala-una ng madaling araw naganap ang aksidente. Pagdaan ng van ng GMA-7 ay dinala ang dalawa sa ospital.

Matapos ang halos isang oras, 'saka lamang nakita ang katawan ni Nomar, na sampung metro ang layo mula sa kinaroroonan ng sports car ni Richard, at nadala sa ospital. Dead on arrival ang kinahantungan.

Sa mga pahayag ng mga Gutierrez sa iba't ibang programa sa telebisyon, pinabulaanan nila na nag-overspeeding si Richard kaya nangyari ang aksidente. (Click here to read story.)

Ngunit ayon sa mga prosecutor, "But in this case, evidence clearly showed that the respondent did not exercise proper prudence and slow down as he approached the curve way. The distance of the car from the point of impact, the broken trees, and broken Meralco post all point to the fact that the respondent was reckless and negligent while driving that night."

Dagdag pa ng mga prosecutor, nagtrabaho raw si Richard mula alas-singko ng hapon hanggang lagpas hatinggabi, bago maaksidente sa sinasabi nilang madulas na kalsada dahil sa masamang panahon.

"[The prosecutor's office] also took into consideration the road condition where the incident happened, a curve way. A prudent man would slow down while driving in a curve way," ang saad nila sa charge sheet.

NEXT STEPS. Nakatakdang isumite ng mga prosecutors ang kanilang criminal information sa korte, charging Richard with Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

May sampung araw ang korte para magdesisyon kung mag-i-isyu na ng warrant of arrest sa aktor. At kung ito man ang maging resulta, kailangang magbayad ni Richard ng bail, na ang halaga ay dedesisyunan din ng korte. Meron din siyang option para mag-file ng Motion for Reconsideration sa prosecutor o mag-apela sa Department of Justice.

At kung iaapela ni Richard ang kaso, may option ang korte para suspendihin ang proceeding sa loob ng 60 days habang hinihintay ang resolution. Kung ang resolution ay sang-ayon sa isinumite ng mga prosecutors, 'saka pa lang magsisimula ang arraignment, kung may reading of charge at makakapagbigay si Richard ng please

Kung hindi aapela ang Kapuso actor, magsi-set na ng schedule para sa arraignment, at pagkatapos, sisimulan na ang paglilitis.

source: pep.ph


1 comment:

  1. There are also cuties in NBA like Richard

    something like this http://clevelandcavaliers-dailyblog.blogspot.com

    sexy_diane

    ReplyDelete